samedi 23 juin 2012




 Ang pagdiriwang ng musika sa Maynila ay isang taunang pangyayari na itinatag ng Embahada ng Pransya at ng Alyansang Pranses ng Maynila. Sa taong ito, sa tulong ng Rustan’s, Makati City, B-side-The Collective at San Miguel Corporation, mararanasan na ang kasiyahan dito sa Pilipinas!


Ang pagdiriwang ay magsisimula sa ganap na 4:00 ng hapon kung kailan magkakaroon ng pagsasalu-salo  sa kalsada upang magbigay pugay sa bandang The Beatles at sa anibersaryo ng kanilang unang EP.


Pagkatapos, ang konsiyerto ay pasisimunuan ng French DJ Collective Chinese Man, na kilala para sa kanilang nangungunang banda, ang Chinese Man, at ang mga miyembro nito: sina High Klu, SLY, at Ze Mateo. Ang nasabing grupo ay kilala para sa kanilang kakaibang musika na pinaghalong hip-hop, dubstep, club music at kahit musikang tradisyunal.




Tutugtog rin ang ilan sa mga banda at musikerong Pilipino tulad ng Brigada, Paul Zialcita, Cynthia Alexander, Johnny Alegre Affinity feat. Alvin Cornista, The Blue Rats feat. Cooky Chua, Jonan Aguilar feat. Tondo Tribe, Flippin’ Soul Stompers, Indio I, Hijo, ang rock legend na si Pepe Smith at ang mang-aawit na Pranses na naka-base sa Maynila, si Julien Drolon.

Tignan na lamang ang iskedyul na ito:

Simula
Tapos
Programa
4:00
4 :45
Brigada feat. Paul Zialcita                       
4:45
5:30
Julien Drolon
5:30
6:15
Cynthia Alexander                        
6:15
7:00
Johnny Alegre Affinity feat. Alvin Cornista
7:00
7:45
The Blue Rats feat. Cooky Chua
7:45
8:30
Jonan Aguilar feat. Tondo Tribe
8:30
10:00
French DJ Chinese Man
10:00
10:45
Flippin’ Soul
10:45
11:30
Indio I
11:30
12:15
HIJO
12:15
1:00
Pepe Smith

Ang pagdiriwang ay magaganap sa ika-23 ng Hunyo 2012 sa Makati Avenue, Quezon City.

inagmulan:

Aucun commentaire:

Enregistrer un commentaire