dimanche 24 juin 2012

Ang Papel ni François Hollande sa 2012 Eleksyon ng Pransya

Talaan para sa mga aktibidades ni François Hollande noong 2012 Eleksyon ng Pransya

ika-22 ng Enero
Pagbuo ni François Hollande ng kanyang unang pangunahing pagpupulong para sa 2012 Eleksyon
Tatlong buwan bago ang botohan, nangunguna si Hollande sa karera pagka-presidente. Ayon sa mga taga-pagmasid mahalaga ang posibleng pagkapanalo ni Hollande para sa Pransya.

ika-23 ng Abril
Hollande nangunguna sa unang bahagi ng Eleksyon 2012
Ang kabuuang voter's turnout ay 80.2%. Nagkamit ng 27% ng mga boto si Hollande, habang ang kanyang karibal na si Nicolas Sarkozy ay nagkamit ng 26%. Tinuring ni Marine Le Pen si Sarkozy bilang isang paalis ng presidente. Si Le Pen, isa ring kandidata pagka-presidente, ay nakakuha ng 20% ng kabuuang bilang ng mga boto.

ika-6 ng Mayo
Hollande panalo sa 2012 Eleksyon pagka-Presidente
Si Hollande ang unang presidenteng Sosyalista ng Pransya magmula 1988. Siya ay may 35 taon na sa pulitika, at 10 taon sa gobyerno.

ika-15 ng Mayo
Hollande isinumpa bilang Presidente ng Pransya 
Ginanap ang seremonya sa Palasyo ng Elysée sa Paris. Dinaluhang ito ng mga mahahalagang opisyales at kinatawan ng gobernong pranses, kabilang ang ilang pulitikong Sosyalista. Ang pagpasa ng kapangyarihan mula kay Nicolas Sarkozy patungo kay Hollande ay isang dakilang pangyayari para sa mga Pranses.


Batay sa:
www.theguardian.co.uk
www.dailymail.co.uk

Aucun commentaire:

Enregistrer un commentaire