lundi 25 juin 2012

Isang Estado, Isang Bayan, Isang Wika


Education is a better safeguard of liberty than a standing army.
- Edward Everett


Ang edukasyon ay importante para sa atin. Gamit nito, nadadagdagan ang ating kaalaman. Ani Sir Baron, "Knowledge is power".  Kung wala ito, hindi tayo mabubuhay. Ito ay isang pangangailangan at karapatan. Kaya naman pinalalago ng iba’t ibang bansa ang kani-kanilang sistema ng edukasyon.


Ang Pransya ay isa sa mga bansang nagbibigay importansya sa edukasyon, kasama ang kasabihan noong kanilang rebolusyon, “One State, One Nation, One Language" o “Isang estado, Isang Bayan, Isang Wika”.


Charlemagne
http://webpages.charter.net/gooup/View/Civic_Arms/Charlemagne/charlemagne.gif

Lahat ito’y nagsimula kay Charlemagne, Hari ng Franks noong 768 AD.  Itinaguyod niya ang Palma School at hinirang na pangulo si Alcuin Parma, isang gurong Saxon. Kumuha din siya ng mga guro galing sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ang naghudyat sa simula ng edukasyong pormal sa Pransya.


Naitaguyod din sa buong Pransya ang mga paaralan sa simbahan bago magtapos ang panglabing isang siglo. Nagbigay sila ng libreng edukasyon, nagturo ng gramatika, at marami pang iba. Nagkaroon ng oras na naalarma ang simbahan dahil napagtanto nila kung gaano maaaring maging liberal ang pag-aaral. Ipinilit nila na dapat ang mga guro ay mkakuha muna ng permiso at lisensiya galing sa obispo bago makapagtrabaho.


Sa kinalaunan, naging sentrong intelektwal ng pag-aaral ang Paris. Noong panglabing tatlong siglo, naitaguyod ang Unibersidad ng Paris. Edukasyon sa iba’t ibang kurso tulad ng law, medisina, at liberal arts ay naitatag.


University of Paris
http://www.topinstitutes.org/wp-content/uploads/2012/04/THE-UNIVERSITY-OF-PARIS-06.jpg




Nakalipas ang taon at lalo pang napagusapan ang sistema lalo na noong panahon ng rebolusyon. Si Mirabeau, isang rebolusyonaryo, ay napagisipang hindi masyadong kailangan ng mga kababaihan ng edukasyon dahil ang tangi lamang nilang trabaho ay maging ina at alagaan ang kanilang mga sariling pamilya. Kaya naman, nasabi niyang panglalaki lamang ang pag-aaral. Maraming isyu ang umusbong at maraming nagbago. Dumating din ang panahon na bingyang atensyon ang pagsasanay ng mga guro at binigyan ito ng mataas na prayoridad na pang-edukasyon.


Naging isyu din ang lenggwahe sa edukasyong Pranses. Noong panahong ito, maraming iba’t ibang diyalekto at wika ang ginagamit ng tao. Para tumaas ang kanilang antas ng pagkakaisa, gumamit sila ng isang wika lamang sa pagtuturo. Hanggang ngayon, ang nasyonalismong ito ay malinaw na naipapakita nila sa paggamit ng kanilang mothertongue.


Dahil sa Concordat sa pagitan ng Papa at ni Napoleon, ang mga isyu ay naresolba. Nagkaroon muli ng Religious Schools at nakapag aral muli ang mga kababaihan.


Itinaguyod ni Napoleon ang Imperial University noong 1808 kasama ang layunin na manguna sa sentralisadong kontrol ng sistema ng edukasyon sa Pransya. Edukasyon sa elementarya ang may pinakamababang prayoridad at sekondarya naman ang nakakuha ng pinakamataas na prayoridad.


Tulad ng dati, ang mga paaralan ay karamihan na mga boarding school na pinuponduhan ng estado na nagbibigay ng anim na taong ekstensibong programa sa  Classics at Matematika. Mayroon ding mga munisipal na paaralan at may mga paaralan ding malaya na sa ngayon ay tinatawag na mga “instituts”.


Matapos ang paghihiwalay ng simbahan at estado, hindi na sinama ang relihiyon sa kurikulum ng mga pampublikong paaralan. Nagdulot ito ng pagkawala ng Imperial University at nagbigay daan sa pag-usbong nga mga “lycee”.






Mga pinagbatayan:


http://www.napoleon-series.org/research/society/c_education.html
http://www.brainyquote.com/quotes/topics/topic_education.html#VjwEZdWQhatAkM87.99


--louise,moira,bajee

Aucun commentaire:

Enregistrer un commentaire