Le Syndrome de Paris (First version) from Raphaël GEORGE on Vimeo.
Ang Sakit ng Paris
Binibigyang-diin ng
maikling dokyumentaryong ito ang isang bagay na karaniwa’y nalilimutan ng mga
tao. Karamihan ng mga turistang dumadayo sa Paris – mga Amerikano, mga Ingles,
mga Asyano at iba pa – ay nakatuon lamang ang pansin sa kagandahan at alindog
ng nasabing lugar. Oo nga naman, hindi sila maaring masisi, sapagkat ang Paris
ay tunay na napakaganda. Mistulan itong paraiso para sa mga turista – mga
monumento, mga maingay na kalsada, mga usong damit, mga pagkain at marami pang
iba!
Ngunit ang ipinaalala
ng bidyo sa amin ay ang mga taong nagtatrabaho sa likod ng mga magagandang
tanawing ito. Syempre maraming magagandang tanawin at atraksyon sa Paris,
subalit ano’ng mangyayari kung wala ang mga taong nag-aalaga sa mga ito? Sinu-sino
ang mga manggagawa at trabahador na nasa likod ng buhay sa Paris? Nakatatanggap
ba sila ng mainam at sapat na sweldo para sa kanilang pagtatrabaho? Sila ba’y
nabibigyang-importansya para sa kanilang pagsisikap?
Ipinaaalala sa atin ng bidyong ito ang mga
construction workers, ang mga nagwawalis sa kalsada, ang mga panadero, ang mga
karpintero, at lahat ng mga manggagawang madalas nating makalimutan. Naniniwala
kami na ang tunay na kayamanan ng kaibig-ibig na lugar na ito ay ang mga taong
naninirahan dito.
Hindi ito naiiba sa nangyayari dito sa Pilipinas. Masyadong naka-pokus ang mga tao sa kani-kanilang mga buhay, at hindi nila nabibigyang-pansin ang mga manggagawang nagtatayo ng ating mga bahay, nagpipintura sa mga pinto, gumagala sa mga kalsada upang magbenta ng dyaryo, nag-aayos ng plumbing at nag-lalaba ng ating mga damit.
Naniniwala
kaming panahon na upang kilalanin natin ang pagsisikap at pagsasakripisyo ng
ating mga manggagawa hindi lamang tuwing Labor Day, kundi pati araw-araw.
Sa aming
palagay, maganda at epektibo ang dokyumentaryo. Iminulat nito ang aming mga
mata sa katotohanan. Mayroon rin itong kakaibang perspektibo sapagkat mga
Hapones ang nagku-kwento nito. Masyadong dramatiko ang tugtog, ngunit ang
kalidad ng bidyo ay maayos.
Aucun commentaire:
Enregistrer un commentaire