dimanche 8 juillet 2012

Philippe Katerine: Isang Kritika



Philippe Blanchard
http://www.beflicky.com/uploads/celebrity/10376.jpg


Isang Pranses na mang-aawit si Philippe at ipinanganak sa Chantonnay, Vendee noong Disyebre 8, 1968. Bilang isang binata, siya ay bumuo ng grupo na may impluwensya ng Anglo-Saxon kasama ang kaniyang mga kaibigan ngunit hindi nila ito tinarato ng seryoso. Isang araw, siya ay bumili ng Tape Recorder na may apat na tracks at nagustuhan niya it.

http://images.wikia.com/lyricwiki/images/f/f5/Philippe_Katerine_-_Robots_Apr%C3%A8s_Tout.jpg


Kasabay na kaniyang propesyonal na buhay, siya ay nagsimulang gumawa ng mga kanta sa kaniyang kuwarto hanngang sa lumipat na sa mas malayong lugar ang kaniyang pamilya. Si Katerine ay naging projectionist sa industriya ng sinehan, tagapagtanghal ng balita sa lokas na radio ng Chantonnay, taga-katay sa St. Fulgent, Citroen at guro pang-dyim sa Kolehiyong pang-agrikultura.  Katunayan, siya ay aktibo noong kaniyang kabataan, siya ay nakasali sa mga kompetisyon sa mga koponan ng basketball na pinili ng Departamento ng Vendee. Ang kaniyang koponan ay mapagkaisa at inaamin ni Katherine na nagsisisi siya hanggang ngayon tungkol sa hindi kasunduan sa kaniyang grupo. Noong 1991, Inilabas ang kaniyang unang album, “The Chinese Weddings”. Ang kaniyang pinakabagong album ay “Philippe Katerine”  na inilibas noong 2010.

http://amandineurruty.free.fr/blog/public/Bodypainting/amandineurruty-katerine-zenithB.jpg


Kami ay nakinig sa kantang “Luxor, I Love” at kami ay naniniwala ay kakaiba at hindi katulad ng ibang mang-aawit. Matapos naming panoorin ang video, naalala naming si Lady Gaga. Pareho silang kakatwa at bulgar sa kanilang mga awitin.

Hindi naming makayanang tanggalin ang “I adoooooooore” sa aming mga isip.  Ito ay parang virus ngunit kung taong makarinig nito ay hindi mahilig sa ganitong klaseng kanta, naisip naming na sila ay maiirita.

http://b.vimeocdn.com/ts/309/925/30992567_640.jpg


Ang ganitong klaseng musika ay hindi karaniwan sa Pilipinas. Para sa amin, mas gusto naming nakikinig sa musikang galling sa Amerika kumpara sa musika galling sa Europeo. Masasabi naming na ang musika ni Katerine ay hindi papatok sa bansa. Ang kaniyang musika ay hindi ang uri na kakagigiliwan ng mga Pilipino.

Gayunpaman, siya ay aming nirerespeto at nais namin na siya ay magtagumpay sa kaniyang propesyon.


---Louise, Moira, Bajee



Aucun commentaire:

Enregistrer un commentaire